Hello guys! Diary entry ko ito, actually. Kaso kaso kasi, gagawa rin naman ako ng blog post, tinamad na akong gumawa ng ibang composition. Kaya kung ano yung nasa journal ko, yun na rin yung ilalagay ko dito. Hehehe #tamad lang ang peg. Hahaha!
Nung Sabado, nagpunta ako sa show ng TAP (Theater in Alternative Platforms) - yung Ampalaya Monlogues nila, at nanood din ako ng Wicked. Actually, dapat hindi naman ako pupunta sa Ampalaya Monologues, may class kasi ako. Kaso, nagkasakit yung prof namin, so wala akong gagawin mula 12 noon hanggang 8pm; kaya nagpunta na ako sa show ng TAP.
Ampalaya Molonogues

Tapos, super friendly nilang lahat! Kahit hindi ko sila kilala (lahat) at hindi rin nila ako kilala pa (kasi hindi pa naman nakakapag-introduction kineme), naramdaman kong welcome naman ako kahit paano!
Ay siyempre, nagtaka naman kayo bakit FC ako sa TAP. Sumali kasi ako sa internship kineme nila, at nung Sabado yung unang beses kong sumama sa event nila as part of the internship kemeroo.
Ang pinaka-ikinatuwa ko ay yung theater experience. Matagal na kasi since na-involve ako sa theater prod - Tick, Tick... BOOM! pa. So, yung pakiramdam na hirap na hirap akong magpalobo ng balloon (yung di ko alam kung magkaka-beke ba ako o aatakihin ng hika) at ang kaakibat na hirap ng pagbubuhol nung lobo, yung ticket at merch sales, at pag-surround sa sarili ko ng theater people, perfect talaga! Nakaka-miss, iba sa feeling, gusto kong ulitin ulit :)
Seasonal ang shows nila, dapat abangan niyo at manood kayo. Eto yung links sa Facebook pages nila, para updated kayo:
Wicked
So, Wicked. Wicked was... well, wicked! Hahaha! Another perfection itu! Ano ba naman kasi ang i-expect mo sa international prod? Kapag hindi perfection, ay magdemand ka ng refund! Charot!
May mechanical dragon sila sa set (na medyo naloka ako kung bakit meron dahil as far as I saw, wala namang ibang function yung dragon bukod sa manakot... baka yun talaga ang purpose niya) na gumagalaw talaga! At least, yung ulo, kamay, at pakpak. May pagflash pa ng ilaw sa mata. Pati yung contraption ng ulo ng wizard, epic din. Ang talagang iniisip ko ay kung paano ginawa at pinapagalaw yun. Yung buong set nila, amazing talaga! World class!
Malayo kasi yung seat ko, so hindi ko gaano kita yung mga mukha nung actors. May chance tuloy akong i-imagine na sina Kristin Chenoweth at Idina Menzel yung gumanap bilang Glinda at Elphaba. In fairness, yung actress na gumanap na Glinda, hindi mahirap na i-imagine na si Kristin Chenoweth - magkatunog sila eh!
ANG GALING NILANG KUMANTA, BES - EFFORTLESS! Usually kasi di ba, kapag high note (lalo na for Glinda na manipis ang boses), masakit pakinggan, tipong nakakarindi. But not for the Wicked cast. Kahit putok-litid ang Defying Gravity, pay pagka-soft pa ring pakinggan. Yung feeling/ramdam mong minamani lang niya yung pagkanta.
Bago ko pa napanood yung show, aware na ako sa ilang kanta ng Wicked. Pero mas na-appreciate ko yung mga kanya nung napanood ko na yung show. Ramdam ko talaga yung message ng For Good, mangiyak-ngiyak nga ako eh. Kahit nga kaninang umaga nung pinanood ko yung pagkanta nila Idina at Kristin ng For Good, naiiyak pa rin ako eh. LOL, ang senti ko. The feels din yung Defying Gravity. Dati pa namang the feels yung kantang yun, pero iba kasi yung makita mo ng live at maintindihan mo yung konteksto nung kanta. Pero ang favorite at current LSS ko ay yung Popular. Light lang kasi yung kanta, mababaw, nakakatawa, at ang cute kantahin (or at least, i-attempt kantahin) - basta, fun song talaga. Eto yung Youtube clip ng Popular.
Pero more than the amazing songs, beautiful sets and costumes, at siyempre magaling na performers, na-realize ko yung social relevance nung musical; particularly sa line exchanges na 'to:
GLINDA: Well, I'm a public figure now! People expect me to --
ELPHABA: Lie?
GLINDA: Be encouraging!
Kung tutuusin, parang wala lang yung lines, pero bes, malalim eh. Lalo na sa konteksto nung play, kung saan nalaman ni Elphaba na fraud yung wizard at gusto niyang isiwalat yung katotohanan. Pero ang nangyari, binaligtad nila yung kwento at pinagmukhang masama si Elphaba. Siyempre, may credibility yung wizard at nagalit yung mga tao kay Elphaba.
Di ba ganun din ang gobyerno natin? Kapag may nakaalam ng kurapsyon, malamang sa hindi, malalagay sa panganib yung tao. Or kung hindi man, pahirapan maghanap ng ebidensya na talagang may kurapsyon. At tayo naman, mas gusto nating makarinig ng words of encouragement kaysa sa mga realidad. Kaya nga maraming nagagalit sa media dahil laging 'bad news' ang nirereport.
Yan ang gusto ko sa entertainment industry eh, hindi lang sa musical theater - may capability para magbukas ng diskurso na tungkol sa makabuluhang bagay sa paraang ma-eenjoy; hindi lang basta sa pamamalita sa dyaryo, radyo, o TV, na hindi appreciated ng lahat (marami kayang nagpapatay ng TV kapag news na). Sana lang, gamitin ito ng Philippine entertainment industry nang magkaroon naman ng saysay yung mga palabas sa TV at pelikula.
Eto yung vlog ko tungkol sa araw ko nung Sabado! Enjoy!
No comments:
Post a Comment